Svoboda | Graniru | BBC Russia | Golosameriki | Facebook
Skip to main content
Kabisahan ng Programang ROTC sa Paghubog ng Disiplina sa mga Kadete sa Unibersidad ng Makati (Effectiveness of the ROTC Program in Disciplining Cadets at the University of Makati) ABSTRAK Mainit na usapin sa kasalukuyan ang balak na... more
Kabisahan ng Programang ROTC sa Paghubog ng Disiplina sa mga Kadete sa Unibersidad ng Makati
(Effectiveness of the ROTC Program in Disciplining Cadets at the University of Makati)

ABSTRAK
Mainit na usapin sa kasalukuyan ang balak na pagbabalik sa programang ROTC sa bansa bilang bahagi ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng mga nakalap na datos, artikulo, maging ang mga nakalap na testamento mula sa iba’t ibang kilalang personalidad, ang mga mananaliksik ay tutuunin ang aspetong magsisilbing daan upang patotohanan ang mga saad at hangarin ng pagsasagawa sa pag-aaral. Pokus at layunin ng mga mananaliksik ang matukoy kung ano ang kabisaan ng programa sa paghubog ng disiplina sa mga kadete na mag-aaral sa Unibersidad ng Makati. Sakop rin ng pag-aaral ang hangaring malaman ang benepisyo at dulot ng programa sa mga kadete sa iba’t ibang larangang kanilang kakaharapin sa hinaharap, gayundin sa pagtugon sa tawag ng pangangailangan ng bansa kaugnay sa usaping pagdepensa at pagprotekta sa bantang panghihimasok ng iba’t ibang pwersa at maging ng digmaan. Ang pag aaral ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang matugunan ang mga katanungang sumasagot sa sino, ano, kailan, saan, at paano sa paksa. Ipapakita at ipaliliwanag sa papel ang mga datos na nakolekta ng mga mananaliksik batay sa mga isinagawang surbey at interbyu. Base sa resulta, dominante ang nagpakita ng positibong pananaw ukol sa layunin ng programa gayundin naman ang nagsaad na nais nilang magkaroon ng pagbabago sa sistema tungo sa mas episyente at produktibong pamamalakad laban sa anumang kabalukturan na maaring ipairal lulan nito. Sa tulong ng mga tapos nang pag-aaral hinggil sa paksa, ang mga mananaliksik ay patuloy na sasaliksikin, rerepasuhin at aaralin ang mga aspetong magpapatunay sa mga katanungan patungkol sa kabisaan ng programang ROTC bilang paghubog ng disiplina sa mga kadete nito sa Unibersidad ng Makati.

MGA SUSING SALITA:
NSTP-ROTC; Kadete; Reserved Officers Training Corps; Military Service; RA 9163