Ito ay idinaos noong 431 CE sa simbahan ni Maria sa Efeso, Asya menor at dinaluhan ng tinatayang mga 250 obispo. Ang mga pagpupulong ay isinagawa sa isang mainit na mga komprontasyon at rekriminasyon na lumikha ng masidhing alitan sa pagitan ni Cirilo ng Alehandriya at Theodosius. Pinatawag ni Theodosius II ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyang Nestorian. Ang doktrina ni Nestorio na Nestorianismo na nagbigay diin sa kawalang pagkakaisa sa pagitan ng mga kalikasang tao at diyos ni Hesus ay humantong sa kanyang pakikipag-alitan sa iba pang mga pinuno ng simbahang Kristiyano na ang pinakakilala ay si Cirilo ng Alehandriya na Patriarka ng Alehandriya. Ang alitan ni Nestorio kay Cirilo ay nagtulak kay Cirilo na maghangad ng balidasyon mula kay Papa Celestino I na nagbigay autorisasyon kay Cirilo na hilingin kay Nestorio na bawiin ang kanyang posisyon o maharap sa pagtitiwalag.
Nagsumamo si Nestorius sa Silangang Romanong Emperador na si Theodosius II na tumawag ng isang konsilyo kung saan ang mga reklamo ay maihahayag na umaasang mapapatunayan ang kanyang ortodoksiya at si Cyril ay makokondena. Gayunpaman, sa huli ay ang katuruan ni Nestorius ang kinondena ng konsilyong ito bilang isang heresiya at opisyal na ginawang anatema. Idineklara rin ng konsilyong ito si Marya bilang Theotokos (tagadala ng diyos).[1] Si Nestorius ay sumalungat sa paggamit ng terminong Theotokos.[2] Ang terminong ito ay matagal nang ginagamit ng mga manunulat na ortodokso at ito ay nagkakamit ng popularidad kasama ng debosyon kay Maria bilang Ina ng Diyos.[2]
Iniulat na itinuro ni Nestorio na may dalawang magkahiwalay na mga persona sa nagkatawang taong si Kristo bagaman kung aktuwal niyang itinuro ito ay tinutulan.[2] Ipinatapon ng konsilyo si Nestorio, itinakwil ang Nestorianismo at ipinahayag ang Birheng Maria bilang isang Theotokos. Pagkatapos sipiin ang Kredong Niceno sa orihinal na anyo nito gaya ng nasa Unang Konsilyo ng Nicaea nang walang mga pagbabago at karagdagan sa Unang Konsilyo ng Constantinople, inihayag nito na "bawal para sa anumang tao na isulong o sumulat o lumikha ng isang ibang(ἑτέραν) Pananampalataya bilang isang katunggali sa natatag ng mga banal na amang tinipon ng Banal na Espiritu sa Nicæa."[3]